BAYANI, JAN LUKE ALLIE S.J.
BSE-BIOLOGY 2-1
FILI8 MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Hindi na marahil maiiwasan ng Pilipinas ang mga kalamidad na
nagdadaanan sa atin taon-taon. Walang bansa ang masasabing handa sa mga
kalamidad na pwedeng yumanig at magpatumba sa kanila. Masusukat kung gaano
kahanda ang isang bansa sa kung paano nila haharapin ito at ang mga hakbang na
gagawin nila kung sinasalanta na sila nito. Handa na ang Pilipinas sa ganon? Sa
mga nagdaang taon, napatunayan lang natin na marami pa tayong kakaining bigas
pagdating sa aspetong ito. Ano nga ba ang pwede natin gawin sa mga panahon sa
mararanasan natin ang mga kalamidad na ito? Gaano na kahanda ang Pilipinas?
Ang lokasyon ng ating bansa ang isa sa mga malaking bagay na nakakaapekto
dito. Ang Pilipinas ay nasa lokasyon malapit sa Pacific Ocean kung saan namumuo
ang bagyo. Ito ang dahilan kung bakit palagi tayo dinadaanan ng mga bagyo.
Masasabing dadaanan tayo ng bagyo kung pumasok ito sa tinatawag na Philippine
Area of Responsibility. Ang Pilipinas din ay kabilang sa Pacific Ring of Fire
kaya madalas ang pagsabog ng bulkan at paglindol sa ating bansa. Ito ang mga
heograpiyang rason kung bakit maraming kalamidad ang nararanasan ng ating
bansa. Pero ngayon hindi na lang ito ang rason kung bakit dumadami ang
nagdadaang kalamidad sa atin, ito ay sa kadahilanang pagbabago sa klima ng
mundo o tinatawag na Climate Change. Nagsimula ito dahil sa hindi tamang
pamamalakad ng tao sa kanyang kapaligiran na nag-aambag sa pagkakasira ng ating
bansa na ang mismong biktima rin ay siang tao rin. Dahil sa climate change,
nagiging matindi ang init sa mundo dahil sa mga hindi nakakalabas na init na
siyang nagdudulot sa atin ng kapahamakan.
Impormasyon ang isa sa mga susi upang maging maayos ang pamamalakad sa
oras ng kalamidad at mababawasan ang bilang ng mga tao na magbubuwis ng
kanilang buhay. Impormasyon na alam dapat ng bawat isa sa atin upang sa oras ng
kalamidad ay may magagawa tayo upang iligtas ang ating sarili mula sa tiyak na
kapahamakan. Ang mga opisyal at ang mga LGU ay may malakinh papel na gaganapan
upang maging matagumpay ang pagpapakalat ng kaalaman sa mga simpleng mamamayan.
Sa panahon ngayon, ang Media ang malaking kontributor sa malawak na
pagpapakalat ng impormasyon sa tungkol sa paparating na kalamidad at ano ang
dapat maging hakbang nating mga mamayan sa oras na nararanasan na natin ito.
Isa sa masasabing magandang halimbawa nito ay ang kanilang news segment na
pinamagatang "I Am Ready" kung saan nagbibigay sila ng impormasyon
kaugnay sa sakuna na nararanasan natin ang nagbibigay sila ng mga bagay na
dapat natin gawin sa oras na iyon. Dahil na rin sa pagusbong ng teknolohiya,
isa na rin sa pamamaraan ng pagkakalat ng impormasyon ay sa pamamagitan ng
website. Dito nila nilalagay ang mga impormasyon, mapa, at mga hakbang na dapat
gawin kung nalagay tayo sa sitwasyon na kagaya ng tinutukoy sa website. Bahagi
na rin ng asignaturang science ang pagaaral sa mga kalamidad na palagi na natin
nararanasan sa atin bansa. Tinuro na rin sa kanila kung ano at hindi dapat
gawin sa oras ng kalamidas. Inaasahan ng eskwelahan na sila na mismo ang
magpapakalat sa kanilang pamilya at lugar ng kaalaman nilang natutunan. Sa mga
malalayong probinsya ay nagsasagawa naman ng mga seminars para sa mga tao doon.
Hindi natin maiiwasan na sa bawat at kalamidad ay mayroon at mayroon
din na maapektuhan. Marahil konti o pangkalahatan ang pwedeng maapektuhan.
Dahil sa mga nangyari sa kanila, mas magiging mulat sila sa kung saan sila
nagkulang upang sa susunod alam na nila ang dapat gawin. Sabi nga natututo ka
sa pagkakamali mo. Ang mga nakitang pagkakamali sa pamamalakad sa oras ng
kalamidad ay nagsisilbing gabay sa ibang lugar at sa bansa upang mas
mapaghandaan at mapabuti ang pamamalakad sa gitna ng kalamidad.
Dahil sa mga kalamidad na nararanasan natin at mararanasan pa, and MMDA
at ang lokal na pamahalaan ay gumagawa na ng paraan at habkang para sa mga ito.
Hindi man nito layon pigilan ang mga kalamidad na ito pero upang mabawasan ang
mga mamamatay at malalagay sa kapahamakan sa oras na dumating na ito.
Ipinatupad ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10121 na nagbigay daan upang
mabuo ang NDRRMD o ang National Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Dito nakasaad ang mga hakbang at mga plano na gagawin ng bansa sa oras ng
kalamidad dahil hindi nawawala ang banta ng iba't ibang uri ng kalamidad na
pwedeng maranasan ng bansa. Ipinanukala ni Senator Migz Zubiri ang Senate
Resolution 426 na nagsasaad na paimbestigahan ang nakalatag na plano ng
gobyerno sakaling may tumamang kalamidad sa bansa. Ipinanukala naman ni Senator
Loren Legarda na paimbestigahan ang mga tibay ng gusali sa bansa lalo na may
malaking banta ng malakas na lindol sa kamaynilaan.
Kung napapansin natin na sa bawat bagyo na nagdadaan sa atin, hindi na
nawawala ang mataas na baha ni ultimo mahinang ulan ay bumabaha na agad. Ang La
Mesa Dam ay isa sa mga malalaking dam sa bansa na nagsusuplay ng tubig sa
maraming lugar. Isa sa problema sa dam ay wala itong spill way na pwedeng
pagtapunan ng sobrang tubig pag umapaw ito. Kaya pagumapaw ito walang ibang
magagawa kundi pakawalan ang sobrang tubig na nagdudulot ng baha sa maraming
lugar. Isa rin sa rason kung bakit nagkakabaha ay ang sandamukal na basura na
tinatapon ng tao sa ilog, creek, canal, o sapa. Naiipon ang mga ito hanggamg sa
wala nang daanan ang tubig na nagdudulot ng malaking baha. Ang mga basurang ito
ay nadadala sa Manila Bay at hihintayin na lang natin ulit isuka pabalik ang
mga ito sa atin katulad ng nangyari noong Bagyong Yolanda kung saan napuno ng
basura ang gilid ng Manila Bay.
Nilundas ngayong taon ang isang proyekto na pinangunahan nang
Department of Science and Technology. Ang proyektong ito ay tinatawag na
Project NOAH. Pinasimulan ito sa Marikina dahil sa dito ay maraming insidente
ng pagbaha at kakulangan sa early warning signal sa mga mamamayan na nagdudulot
ng kapahamakan sa tao. Ang proyektong ito ay naglalayon na magbigay ng
impormasyon sa tao tungkol sa sitwasyon ng kanilang lugar sa oras ng bagyo.
Makikita rin nila dito ang mga lugar sa kanila na lubog na sa baha. Malaking
tulong ang proyektong ito para sa ma tao lalo na sa mga tao na nakatira sa mga
lugar na palagong binabaha. Hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin ang epekto
nito, kung nakakatulong ba ito sa tao o hindi bago ito ipatupad sa ibang lugar.
Ang mga kalamidad na tumatama sa iba't-ibang pabig ng bansa ay
nagdudulot ng pinsala di lang sa ari-arian kundi pati rin sa buhay ng mga
mamamayang Pilipino. Dapat magkaroon ng konkretong plano sa oras ng kalamidad
at dapat maging maayos ang disaster management bago, habang, at pagkatapos ng
kalamidad. Hindi lang dapat tayo palagi umaasa sa tulong ng ibang bansa dapat
tayp mismo ay may hakbang na ginagawa. Dapat ilipat ang mga tao malapit sa sapa
at ilog para hindi rin maging tapunan ang mga ilog. Dalawa ang magiging
mabuting epekto nito sa atin, una mababawasan ang mga basura na nagdudulot ng
matinding baha at pangalawa ay maililigtas din ang mga tao na malapit sa dito.
Hindi mawawala ang banta ng iba't-ibang uri ng kalamidad na pwedeng maranasan
ng bansa tulad ng baha, landslide, mga bagyo na puro sanhi ng kalikasan at wala
tayong lakas mga tao na pigilan ito. Dapat mapabuti ng lokal na pamahalaan ang
pagbibigay ng early warning signal sa mga mamamayan.
Hindi man natin maiwasan ang mga kalamidad na dumadating sa atin pero
kaya natin bawasan ang matinding epekto nito sa atin. Dapat magtulungan ang
lokal na pamahalaan, media, at mga tao upang maging maayos ang paglatag at
pagpapakalat ng impormasyon at plano sa mga tao.